Filipino Artist: Wiljun”Jay”Magsino—His art and his poetry

Wiljun “Jay” Magsino closes influence and inspiration is his father who dabbled in metal art craft as his hobby.

Since childhood, his love for drawing was evident.  Mostly self-taught, he learned the basics of drawing by reading books about art and observing the works of other artists.

His art education begun when he was in 4th year high school.  He would leave after class and head to the mall. He would stand in front of a portrait artist and sometimes wait for an hour.  He gained his initial knowledge by watching him work his magic. He said, he even got in trouble from his mother because he would stay till 12 watching the artist.

Fine Arts was his first choice in college but ended up taking architecture. Because of financial difficulty, he was forced to stopped school and worked instead.

There is a saying that where your heart and soul belongs, you will still end up there. It was 2011 when he choose to continue his passion in art.  It was not easy at first but with perseverance he followed what he loved and made art his main profession.

He studied different types of styles and mediums including digital arts. Currently, exploring the world of art because he believes that art is a vast terrain to learn about.

Now a Freelance Visual Artist and looking forward to concentrate with his two favourite medium–oil paint and staples wires.

His dream that someday Wiljun’s art will be recognized using his personal style.

As you know, he is also a poet.  But it is in Tagalog very hard to translate. For those Filipino readers,  he is one makatang poet. Enjoy!

“MAHIGPIT NA YAKAP SA BIYAYA”

biyaya ka sa akin na pinatamasa,

ako’y inilaan upang sayo’y kumalinga;

Panginoong Diyos ika’y sakin ipinagkatiwala,

kayamanan ka na walang kapareha;

habang ika’y nasa aking sinapupunan,

aking buhay sayo’y ilalaan;

ika’y aking aarugain at pakakaingatan,

hanggang sa makulay na mundo’y iyong masilayan;

aking anak ako sayo’y sabik na sabik,

aking ninanais na ika’y madampian ng aking halik;

maipadama ang pagmamahal kong hitik na hitik,

dahil pag­ibig ko sayo’y liglig at siksik;

ngunit habang ikaw ay parte pa ng aking katawan ,

aking isasaalang­alang ating kalusugan at kaligtasan;

mahigpit na yakap sayo’y aking ilalaan,

dahil ikaw saki’y biyayang nagdulot ng walang katumbas na kaligayahan.

Wiljun Magsino Art

HAPDI SA PAGLUWAL NG BINHI

kapansin­pansin ang malaking pagbabago saking katawan,

siyam na buwan ika’y mananatili sa’king sinapupunan;

tila baga mundo’y aking pinapasan­pasan,

ubod ng bigat ang aking nararamdaman;

hindi biro ang dalhin ka sa’king lumalaking tiyan,

lahat ng di kumportable aking nararamdaman;

doble ang bigat ng aking katawan,

at ako’y lubos na nahihirapan;

ngunit magkagayunpaman ika’y aking aalagaan,

sisiguraduhing mananatiling maayos iyong kalusugan;

ika’y hinding­hindi ko pababayaan,

hanggang sa ika’y lumabas at mundo’y masilayan;

at sa oras na gusto mo nang lumabas,

lahat ng sakit titiisin ibubuhos ang lakas;

di baleng hapdi aking madanas at buhay ko ang katumbas,

maipakita ko lang aking pag­ibig at sa’yo maiparanas ang magandang bukas.

hapdi

“MARUPOK NA KAGANDAHAN,PAKAINGATAN”

Kayo’y hinugot sa’ming tadyang,

upang sa buhay maging katuwang;

Nilikha na puspos ng kagandahan,

yamang nararapat pakaingatan;

Kayo’y may malasutlang damdamin,

nararapat lang na alagaan at mahalin;

na tila kayamanang babasagin,

pakaingatan yan ang pinakabibilin;

Ngunit bakit lipuna’y nagkaganito?

Naubos na ba ang lahi ng mga maginoo?

Mga kababaihan laging nabibiktima,

ng mga taong walang alam kundi manamantala;

isang dalaga ginahasa, minolesya, pinatay,

sa mga pahayagan palaging nakahimlay;

palaging laman ng mga pornograpong larawan,

nasaan na ang pagpapahalaga natin sa mga kababaihan?

hindi ko mawari hindi maaninag,

aking damdami’t saloobi’y nababagabag;

nasaan na ang pagpapahalaga ni florante kay laura?

unti­unting natakpan at nawala na;

Kaya aking nilikha itong tula,

upang magsilbing paunawa sa bawat madla;

Pagpapahalaga nawa sa bawat kababaihan huwag mabalewala,

sila’y respetuhin, mahalin, pakaingatan yan ang dapat na adhika;

Laging isipin na sila’y kayamanang maituturing,

tila isang diyamanteng makislap maningning;

Pag­ibig na sapat sa kanila’y nararapat,

na sa kanila’y ibigay ng puspos at tapat.

Wiljun Art

Here are several videos of his art in action:

Staple Art

“Petronas Tower” Watercolour Speed Painting

“Cry out to Jesus” ; Coffee Speedpainting

All images provided by the artist.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s